brastel build

Kami ay isang multicultural at inclusive na kumpanya na nakatuon sa paglikha ng mas magandang kinabukasan.

30
Taon ng
Karanasan
|

Ang Brastel Co., Ltd. ay isang Tokyo-based telecommunications company na itinatag noong 1996. Makakakonekta sa 190 countries at territories sa buong mundo sa murang halaga, 24-hour flat rate pa! Ang Brastel ay nagbibigay serbisyo sa foreign community sa Japan, ganundin sa mga Japanese nationals na mayroong kaibigan at kamag-anak sa ibang bansa.

Brastel lamang ang telecommunications service na mayroong native speaker customer service professionals sa mahigit 15 lengguahe. Layunin ng Brastel na maihatid ang pinakamataas na antas ng serbisyo sa mga customers nito sa Japan sa pamamagitan ng cultural skills at specialized training ng Brastel staff.

Ang Brastel din ay isa sa mga unang nagkaroon ng customized CRM technology para sa mas epektibong pag-develop ng customer profiles ganundin ang pag-followup ng kanilang pangangailangan. Dito nag-ugat ang pagsimula ng Brastel Card, ang unang rechargeable international prepaid card sa mundo, na pwedeng madagdagan ng load sa mahigit 44,000 convenience stores sa buong Japan.

1996

2026

Our Mission

Magbigay sa foreign at Japanese communities ng de-kalidad at maaasahang communication at fintech services. Layunin naming pagdugtungin ang mga tao sa kabila ng mga hangganan at maging tulay na naglalapit sa mga komunidad at nagpapabuti ng buhay.

Our Vision

Nananatiling nakaugat ang aming vision sa espiritung gumabay sa Brastel sa loob ng mahigit 25 taon: teamwork, unity in diversity, at patuloy na pagnanais na lumago. Sa hinaharap, patuloy kaming magbabago, magpapalawak ng negosyo, at tatanggap ng bagong oportunidad habang pinangangalagaan ang mga value na bumubuo sa aming pagkakakilanlan.

Our Values

Ipinagmamalaki naming makapagbigay ng multilingual customer support sa mahigit 10 wika, sa tulong ng native speakers na nakauunawa sa kultura at pangangailangan ng aming mga customer. Ang respeto, transparency, at malakas na pagkakaisa ang humuhubog sa aming workplace at gumagabay sa paraan ng aming pag-aalaga sa mga customer.

Scroll